Ang enrollment sa MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE, MARIKINA CITY. Walang pagbabago!!! graduate ako dito nuon at ngayon ay nag-desisyon ako na mag-enrol ulit para madagdagan ang aking kaalaman. Marami ang nagsasabi na "MALAKI" na ang pinagbago ng MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE. Sabagay, pangalan pa lang nagbago na, dating MARIKINA INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY ngayon ay MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE na. May mga bagong building, may mga nawalang building. Pero sa laki ng pinagbago nito ay "NAPAKAHIRAP" pa rin mag-enrol dito, hindi dahil madaming requirements, hindi dahil mahirap ang exam kundi dahil sa "BAGAL" ng serbisyo! Magpapapirma ka pa lang Dr. Tafalia ba yun, basta ang Vice-President sa MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE ang haba na. Inabot ako ng 2 oras sa pila pa lang, pagkatapos ay punta ka naman sa registrar at aabutin ka ng 2 o 3 oras! Gaano ba kabagal mag-encode ang mga tao sa loob ng registrar?! Tapos may lunch break pa, hindi ba pwedeng may kahalili sila para tuloy-tuloy ang serbisyo?! Napaka-sungit pa ng mga tao sa loob. Oo, marami silang ginagawa at oo, haggard / pressured sila pero kung hindi nila kaya ang pressure o trabaho umalis sila!!! May nakasabay nga ako sa enrollment at nagsalita siya ng "KUNG HINDI LANG MURA ANG DOCTORAL DITO HINDI AKO DITO MAG-E-ENROLL! KAHIT BUBONG LANG SANA PARA SA MGA PROFESSIONAL DITO SA LABAS NG REGISTRATION! HINDI NA TAYO COLLEGE O HIGH SCHOOL!" Yun din ang nirereklamo ko, nag-enroll ako nuong summer at sobrang init talaga sa labas ng registration, sana man lamang ay magkaruon ng bubong duon o trapal tuwing enrollment! Ang haba na ng pila, ang bagal pa ng process sa loob ng registration at ang susungit pa ng nasa loob.
Eto ang pila sa MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE!!! Hindi ko pa nakuha ang buong kahabaan ng pila nyan!
Para sa administrayon ng MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE, UTANG NA LOOB NAMAN! Lagyan nyo naman trapal o bubong para sa aming mga mag-aaral. Wag nyong sirain ang imahe ng MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE na kailan lang ay nag-produce ng top notcher sa LET. Sana ay makarating sa kanila ang blog na ito at magawan ng paraan...